PINALAWIG | Drug rehabilitation program ng DSWD, pinalawak

Manila, Philippines – Pinalawak pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang drug rehabilitation program.

Ito ay para tulungan ang drug surrenderees na magbagong buhay at makabalik sa kanilang pamilya at komunidad.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Special Concerns Anton Hernandez, kung dati, nakatuon lamang ang kanilang ‘yakap bayan’ sa drug rehabilitation ay pinalakas ito at ginawang yakap bayan community mobilization and support program.


Ang pagpapatupad ng yakap bayan ay layong gawing aktibo at produktibong mamamayan partikular bilang community leaders at disaster volunteers ang mga dating drug dependent.

Facebook Comments