Manila, Philippines – Pinalawig ng Government Service Insurance System o GSIS para ma-update ng mga guro ang kanilang loan.
Ayon kay GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas, may hanggang Oktubre 31 ang mga guro para ayusin ang kanilang mga accounts mula sa naunang deadline na Setyembre 30.
Aniya, sakaling mapatunayang system problem ang naging dahilan kung bakit lumobo ang mga loan ng mga guro hindi na nila sisingil ang mga penalties ng mga ito.
Sabi naman ni DepEd Secretary Leonor Briones, pagkakataon na ito ng mahigit 122,000 na mga guro na i-update ang kanilang mga account.
Facebook Comments