PINALAWIG | Mga community health workers pinalalakas ng DOH

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na napapanahon na upang palawakin at palakasin ang kaalaman ng mga community health workers sa mga lalawigan upang makaiwas sa napakagastos na serbisyo at malayong paglalakbay sa oras ng emergency.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, ang regional director ng DOH Calabarzon, layon nito na matumbasan ng community health workers ang antas ng sistema sa mga pampublikong ospital upang maiwasan ang pagdagsa ng mga pasyente sa pagamutan ng gobyerno.

Ginawa ni Janairo ang pahayag sa tatlong-araw na planning workshop na may temang “Collaborative Planning Workshop on Quality Management for City Health Offices, Rural Health Units and Barangay Health Stations sa lalawigan ng Rizal na magtatapos ngayong araw.


Nais aniya ng mga health official ng bansa na maging diagnostic centers ang rural health unit na may potensiyal na mapaganda ang pangangalaga sa mga pasyente at mailayo sila sa hindi na kailangang gastusin sa pagpapagamot.

Facebook Comments