Pinalawig na batas militar sa Mindanao, posibleng hudyat ng nationwide martial law ayon kay CPP founding Chairman Joma Sison

Manila, Philippines – Maaaring hudyat ng nationwide martial law ang inaprubahang extension nito sa Mindanao hanggang December 31.

Ito ang sinabi ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Joma Sison.

Una nang kinondena ni Sison ang implementasyon ng martial law sa rehiyon na humantong sa kanselasyon ng backchannel talks ng gobyerno sa komunistang grupo.


Samantala, sa joint session kahapon – tinanong ni Senador Kiko Pangilinan si Defense Secretary Delfin Lorenzana kung posibleng ideklara ang martial law sa Luzon dahil sa mga pag-atake ng New People’s Army.

Sagot ni Lorenzana, hindi kailangan ng martial law sa Luzon at Visayas dahil may batas militar man o wala, tungkulin nilang tugunan ang panggugulo ng NPA.

Facebook Comments