Pinalawig na Estate Tax Law, inaasahang mas marami ang mabebenepisyuhan

Inaasahang mas madaragdagan ang mabebenepisyuhan ng pinalawig pa na tax amnesty matapos na maging ganap na batas ang Estate Tax Amnesty Extension Act.

Ayon kay Committee on Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian, ang implementasyon ng batas ay tinatayang makahihimok ng dagdag na 153,518 na potensyal na mag-aapply para sa tax amnesty.

Bukod dito, inaasahan ding makalilikom ng P6.15 billion na dagdag na kita para sa gobyerno mula sa makokolektang buwis.


Ayon kay Gatchalian, mas marami ang makikinabang sa pagbabayad ng estate tax sa ilalim ng batas lalo na iyong mga kababayan na limitado lang ang kakayahang pinansyal.

Bukod dito, ang buwis na makokolekta mula rito ay inaasahang magagamit sa mga proyekto ng pamahalaan na magpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 11569 ay pinapalawig ang period ng pag-avail ng tax amnesty ng dalawang taon o hanggang June 14, 2025.

Pinapalawig din ang sakop ng tax amnesty para sa mga tagapagmana na may namayapang kaanak mula May 31, 2022 pababa.

Facebook Comments