Pinalawig na state of calamity, mahalaga habang wala pang certificate of product registration ang mga drug company para sa COVID-19 vaccines

Importante na napalawig ang state of calamity para sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay ni Dr. Edsel Salvaña, isang infectious disease expert na kung hindi ito napalawig ay mawawalan na ng bisa ang mga Emergency Use Authorization ng mga bakuna laban sa COVID-19 at hindi na ito magagamit pa.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring nag-aapply na manufacturer ng certificate for product registration para sa kanilang bakuna para sana makabili nito sa mga parmasya o drug store at magamit ang mga bakuna sa mga klinika ng mga doctor.


Sinabi ni Salvana, sa Amerika ay lagpas isang taon nang may certificate for product registration doon ang mga COVID-19 vaccine pero dito sa Pilipinas ay wala pa.

Sa kabila naman na hanggang tatlong buwan lamang o hanggang Disyembre ng taong ito lamang ang pinalawig na panahon ng state of calamity, sinabi ni Salvaña na pwede pa rin namang muli itong palawigin ulit ng panibagong tatlong buwan kung kakailanganin.

Kaya naman hinimok ni Salvana ang mga manufacturer o drug companies na mag-apply na ng CPR sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments