Manila, Philippines – Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) ang oras ng pagboto para sa 2019 Midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hanggang alas-6:00 na ng gabi ang botohan sa polling precincts mula sa dating alas-5:00 ng hapon.
Paliwanag ni Jimenez – layunin nito na mabigyan pa ng pagkakataon ang inaasahang pagpalo ng voting population sa 61 milyon ngayong halalan kumpara sa 58 million noong 2016 Elections.
Kahit nagsara na ng alas-6:00 ng gabi ang botohan, papayagan pa ring makaboto ang mga botante na nasa 30 meter radius ng polling presinct.
Kinakailangan lamang na mailista ng poll clerk ang pangalan ng mga botante at tatawagin ng tatlong beses.
Gayumpaman, asahan ang mahabang pila sa mga presinto lalo at wala nang plano ang poll body na magdagdag ng vote counting machines.