PINALAWIG | Paghahain ng aplikasyon para sa Ombudsman, pinalawig ng JBC

Manila, Philippines – Pinalawig ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagsusumite ng application para sa nais maging Ombudsman.

Ito ay para makapili ang JBC ng ipapalit kay Ombudsman Conchita Carpio- Morales na magreretiro sa July 2018.

Base sa abiso ng JBC, magtatapos ang aplikasyon ng hindi dapat lalagpas ng 4:30 ng hapon sa May 15, 2018.


Sinabi ni Clerk of Court at JBC Ex-Officio Secretery Edgar Aricheta na hindi na muling palalawigin ang paghahain ng application para sa posisyon sa Ombudsman.

Facebook Comments