PINALAWIG | Umiiral na State of Emergency sa Egypt dahil sa kaguluhan – pinalawig

Egypt – Pinalawig ng parliament ng Egypt ang Nationwide State of Emergency ng hanggang tatlong buwan mula Hulyo 14.

Noong nakaraang taon nang ipatupad ng Egypt ang State of Emergency kasunod ng dalawang insidente ng pambobomba sa mga simbahan na pumatay ng 45 tao.

Nahaharap ngayon ang Egypt sa Islamic State Insurgency lalo na sa hilagang bahagi ng sinai region kung saan ilang daang sundalo na at pulis ang namatay sa mga nakalipas na taon.


Inatake na rin ang security forces ng iba pang islamists na nago-operate sa Western Desert sa border ng Libya.

Facebook Comments