Pinalayang Pinoy na si Jimmy Pacheco ng Hamas, desididong bumalik pa rin sa Israel

Hindi natitinag si Jimmy Pacheco na muling bumalik sa Israel kahit na naging masalimoot ang karanasan nito ng dukutin siya ng Hamas militants.

Ang 33 years old na si Pacheco ay dumating sa bansa kahapon sakay ng Philippine Airline flight PR659 sa NAIA terminal 1.

Sinabi ito na nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya nito kaya babalik pa rin ito sa Israel kapag naging maayos na ang kalagayan doon.


Iginiit ni Pacheco na naging mahirap na ang kaniyang buhay noon kaya ayaw nitong iparanas ang hirap sa kaniyang pamilya.

Facebook Comments