Pinalayang Pinoy seafarer na binihag ng Iranian authorities, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang Pinoy seafarer na pinalaya at kabilang sa sakay ng barkong pinigil ng Iranian naval authorities.

Ang naturang Filipino crewman ay kabilang sa apat na Pinoy na tripulante ng MSC Aries container vessel na halos isang buwan na bihag ng mga otoridad ng Iran.

Kasalukuyan silang bumabagtas sa Strait of Hormuz nang pigilin sila ng tropa ng Iran.


Ang naturang barko ay may sakay na 25 seafarers kung saan ang apat nga rito ay mga Pinoy.

Sinalubong naman ang naturang Overseas Filipino Worker (OFW) ng kanyang maybahay at ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nang dumating ito sa Nionoy Aquimo International Airport (NAIA) 3 bago mag-alas kwatro ng hapon kanina.

Facebook Comments