Manila, Philippines – Nakaranas na naman ng pambu-bully ang Philippine Navy mula sa China Coast Guard.
Batay sa impormasyong natanggap ni Magdalo Rep. Gary Alejano, pinalibutan ng mga Chinese vessel ang barko ng Philippine Navy nang makita nila ito sa Pag-Asa Island.
Nabatid na nagsasagawa lang ng kanilang regular troop rotation ang Philippine Navy nang palibutan ito ng mga Chinese vessel.
Umabot pa sa puntong 2 nautical miles na lang ang agwat ng barko Philippine Navy at Chinese Coast Guard.
Kaya naman sabi ni Alejano, mukhang hindi nga talaga malayong magkatotoo ang biro ng Pangulo na maging probinsya ng China ang Pilipinas.
Ipinunto pa ni Alejano na walang nakikitang aksyon ang publiko mula sa gobyerno para ipagtanggol man lang ang mga teritoryo ng bansa.