Manila, Philippines – Dapat munang linawin kung ano ang magiging trabaho ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs.
Ito ang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kanina hinggil sa isyu ng nakalusot na billion pesos shabu shipment sa BOC.
Ayon kay Gordon – kahit pabor siya sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng military take-over sa BOC, dapat na magkaroon pa rin ng “preno” sa kung ano ang magiging papel ng militar sa ahensya.
Bukod dito, dapat din aniya na magkaroon ng kwalipikasyon batay sa civil service rules na susundin sa pagtatalaga ng sundalo sa loob ng customs.
Gayunman, para kay Gordon – maihahalintulad na sa terorismo ang pagpupuslit ng iligal na droga papasok ng bansa na talamak na ngayon.