PINAMA-MIGRATE | Kongresista, hinamon ang mga nagsusulong ng legalisasyon ng medical marijuana na mag-migrate na lang sa Canada

Manila,Philippines – Pinama-migrate ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa Canada ang mga mambabatas na nagsusulong ng legalisasyon ng paggamit ng medicinal marijuana sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagkakapasa ng ‘recreational use of marijuana’ sa Kongreso ng Canada.

Aniya, sa halip na itulak ng mga mambabatas ang ligal na paggamit ng marijuana sa bansa, kinantyawan niya ang mga nagtutulak nito na mag-migrate na lamang sa Canada.


Sa Canada aniya ay libreng makakahithit gaano man kadaming lason ng marijuana na gusto ng mga ito.

Pero, pumalag naman dito ang may-akda ng House Bill 6517 o ang panukalang gawing legal ang medical marijuana sa bansa.

Sinabi ni Isabela Rep. Rodito Albano na si Atienza ang parang high kung magsalita dahil pinalalabo nito ang tunay na isyu.

Paglilinaw pa ng kongresista na hindi naman recreational use ang isinusulong na medical marijuana kundi ito ay para sa kapakanan ng mga pasyente na naghahanap ng alternatibong gamutan.

Facebook Comments