PINAMAMADALI | DFA, nagpadala ng team na tututok sa kaso ng nasawing OFW sa Saudi

Pinamamadali na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uuwi ng mga labi ng nasawing OFW dahil sa pamamaril sa Saudi Arabia.

Ayon sa DFA, nagpadala na ng team si Philippine Consul General sa Jeddah na si Edgar Badajos sa Jizan Region para makapangalap ng impormasyon hinggil sa insidente.

Sa ngayon, hindi pa rin inilalabas ang pagkakakilanlan ng nasawing OFW dahil inaantay pa ang pahintulot nito mula sa kanyang pamilya.


Base sa inisyal na ulat, sinaksak ng OFW ang kanyang boss bago siya binaril ng isang security guard.

Facebook Comments