PINAMAMADALI | Pagresolba sa mga kasong nakabinbin sa DOJ, pinabibilisan

Naglabas ng direktiba si acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon para sa mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ).

Partikular na ini-utos ni Fadullon ang early resolution o mas maagang pagresulba sa mga kasong submitted for resolution na partikular ang mga kontrobersyal na kaso tulad ng Dengvaxia.

Oktubre a-30 nang magdesisyon ang panel of prosecutors na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Maria Emilia Victorio na submitted for resolution na ang reklamo laban kina dating Health Secretary Janette Garin at iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, Sanofi Pasteur, Zuellig Pharma at iba pa.


Ayon kay Justice Undersecretary at spokesman Markk Perete, nakatakda pang resulbahin ng Panelof prosecutors ang unang batch ng Dengvaxia cases.

Ngayong araw naman, pinatawag ng DOJ para humarap sa isa pang panel of prosecutors sina Dr. Raymundo Lo at Dr. Sonia Gonzales ng Philippine Childrens Medical Center matapos silang isama sa mga kinasuhan sa 2nd batch ng Dengvaxia cases.

Facebook Comments