Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agriculture at ang National Food Authority na mandohan ang Unli-importation o unimpeded importation ng Bigas sa bansa.
Ito ang iniatas ni Pangulong Duterte sa naganap na cabinet meeting kagabi sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ibigsabihin nito ay maaari nang mag-angkat ang lahat ng bigas bastat mayroong import permit at magbabayad ng naaayong taripa sa Pamahalaan.
Ang hakbang na ito aniya ay para bahain ang merkado ng bigas para mapababa ang presyo nito at para makatulong pa ang pamahalaan sa publiko at malabanan ang pagtaas ng presyo ng langis sa merkado at mapababa ang inflation rate.
Nilinaw din ni Roque na hindi na kailangan pang maglabas si Pangulong Duterte ng papel o pormal na kautusan dahil ang nakalagay lang aniya sa batas ay minimum access volume at walang naka lagay na maximum kaya maaaring magimport ng napakaraming bigas.