PINANAWAGAN | CJ Sereno, pinagre-resign na rin ng mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Matapos puwersahin ng mga mahistrado si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na maghain ng indefinite leave, nagkaisa na rin ang mga opisyal at empleyado ng Supreme Court sa kanilang panawagan na magbitiw sa tungkulin ang Punong Mahistrado.

Sa isang open letter, nagmamakaawa kay Sereno ang Supreme Court officials and personnel na magresign na ito.

Anila, hindi na nila kayang manahimik na lamang habang patuloy na lumulubog ang institusyon sa harap ng mga nagaganap na pasabog sa Kamara hinggil sa impeachment case laban kay Sereno.


Inihayag pa ng mga opisyal at empleyado ng Kataas-Taasang Hukuman na wala na silang tiwala sa Chief Justice labis naman silang nagpapasalamat kay Atty. Larry Gadon sa pagsasampa nito ng impeachment complaint laban kay Sereno.

Kung hindi anila naghain ng reklamo si Gadon ay hindi mahihinto ay maling sistemang umiiral sa Korte Suprema.

Sa kabilang dako, nananawagan kay Gadon ang SC Officials at Personnel na huwag nang ituloy ang pagsasampa ng kaso laban kina Deputy Court Administrator Raul Villanueva, Deputy Court Administrator Thelma Bahia, Deputy Clerk of Court en Banc Atty. Anna-Li Papa-Gombio, Fiscal Management and Budget Office Chief Atty. Corazon Ferrer-Flores at Ma. Carina Cunanan na assistant chief ng Office of Administrative Services ng Supreme Court.

Anila, napipilitan lamang ang naturang mga opisyal na sumunod sa mga utos ni Sereno subalit sila ay matagal nang nanunungkulan ng maayos sa Kataas-Taasang Hukuman.

Facebook Comments