PINANAWAGAN | Justice Committee Chairman Rey Umali, umapela na rin kay CJ Sereno na mag-resign na

Manila, Philippines – Umapela na rin si House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na ito sa pwesto.

Ayon kay Umali, mag-resign na rin si Sereno katulad na lamang ng ginawa ni dating COMELEC Chairman Andres Bautista, na naharap din sa impeachment complaint.

Ito aniya ang dapat na gawin ng Punong Mahistrado upang sa gayon ay hindi na maaksaya pa ang kanilang oras, gayundin ang resources ng bansa.


Sinabi pa ni Umali na malaking pabor ito para sa bansa kung tuluyan ng magbibitiw si Sereno.

Ikinatuwa din ng kongresista ang indefinite leave ni Sereno dahil makabubuti aniya ito hindi lamang sa Kamara at Senado kundi pati na rin sa taumbayan.

Facebook Comments