PINANGAKUAN | CABCOM Farmers Cooperative na tinabunan ang kanilang pananim, humingi ng tulong kay P-Duterte

*Manila, Philippines – Nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang may mahigit isandaang miyembro ng CABCOM Farmers Multi-Purpose Cooperative. Inc. sa loob ng Clark Development Corporation sa Pampanga kasunod ng pagtabon sa kanilang mga pananim ng walang kaukulang bayad pinsala.*

*Ayon kay Daniel Dizon, Chairman ng nasabing kooperatiba , Enero 2018 nang kinausap sila ng pamunuan ng CDC sa pangunguna nila Ramsey Ocampo, Vice President for Security ng CDC at Cresente Evangelio, Manager ng EPRD para sa idaraos na hot air balloon presentation sa kanilang sakahan na may 11 ektaryang na may mga ibat-ibang pananim.*

*Ipinangako umano ng dalawang opisyal na babayaran sila ng kani-kanilang mga pananim pagkatapos ng okasyon at muli nila ito matataniman.*


*Matapos na pumayag ng mga magsasaka ay agad tinambakan ng graba ang sakahan para gawing paradahan ng mga sasakyan ang nasabing lugar.*

*Makalipas ang ilang araw ay hindi tinupad ng dalawang opisyal ang kanilang ipinangako at hindi na rin nakapagtanim ang mga magsasaka dahil tinambakan ito ng graba.*

*Mula noon ay hindi na rin sila kinausap ng dalawang opisyal kung babayaran pa sila o hindi ng kani-kanilang mga pananim na sinira ng hot balloon presentation na pinangunahan ng CDC.*

Facebook Comments