Mnaila, Philippines – Pinangalanan na ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pagpipilian na magiging kapalit niya.
Ayon kay dela Rosa, kabilang sa maaaring pumalit sa kanya sina Deputy Director Ramon Apolinario, Deputy Director Archie Gamboa, Deputy Chief for Operations, Deputy Director General Fernando Mendez, Director for Operations Director Camilo Cascolan at NCRPO Chief Director Oscar Albayalde.
Aniya, tiwala siyang may kakayahan na maging susunod na PNP Chief ang mga ito.
Nilinaw naman ni dela Rosa na wala pa siyang nairerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments