PINANGANGAMBAHAN | 1.2 million hectares na pananim na palay at mais, nanganganib na masira sa bagyong Ompong – ayon sa DA

Abot sa 1.2 million ektaryang pananim na palay at mais sa Cordillera, Ilocos Region at Cagayan Valley ang nanganganib na masira sa sandaling daanan ni bagyong Ompong.

Sa kaniyang worst case scenario, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na aabot sa 893,000 ektarya ng rice farms habang 483,000 hectares na corn fields ang maaring masira sa tatlong rehiyon.

Tinatayang nasa P7 billion ng malapit nang ahinin na palay ang posibleng masira sa Cordillera Region, Ilocos Region at Cagayan Valley.


Iniutos na rin ni Secretary Piñol sa lahat ng DA Field Offices na i-activate ang kabilang disaster monitoring offices para makapaghatid ng food supplies sa mga maapektuhang magsasaka.

Facebook Comments