Manila, Philippines – Pinangangambahan na mawalan ng trabaho ang nasa 80 libong mga seaman.
Ito ay dahil na rin sa pangambang malagay sa blacklist ang bansa dahil sa hindi pagsunod sa International Convention On Standards of Training, Certification and Watch Keeping For Seafarers (STCW).
Ayon kay OFW Party list Rep. John Bertiz, dumulog sa kanyang tanggapan ang Association of Captains and Mate Associationn at ang Association of Marines and Ratings dahil sa reklamong ito.
Simula pa noong 2003 ay inatasan na ang Philippine Maritime na mag comply sa STCW patungkol standard and certification ng mga marino.
Ang reklamo ng mga seafarers ay masyadong madami ang mandatory trainings o courses subalit ang mga ibinibigay na trainings ng mga maritime schools ay hindi `compliance` sa international standards para sa mga marino.
Dahil dito, plano ng kongresista na maghain ng resolusyon sa Kamara para imbestigahan ang mga iniaalok na trainings sa mga seaman.