PINANGANGAMBAHAN | Malawakang ENDO sa DOH, posibleng mangyari sa 2019

Manila, Philippines – Pinangangambahan ng Kamara na libu-libong mga kawani ng Department of Health ang mahaharap sa endo kung hindi maibabalik ang ibinawas na pondo ng ahensya sa 2019.

Ang banta ng malawakang endo sa ahensya ay bunsod ng P8.4 Billion na ibinawas ng Department of Budget and Management sa pondo ng DOH.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, halos 7,000 mga contractual nurses ang matatanggal sa trabaho sa ilalim ng Health Human Resources Deployment Program ng DOH.


Bukod sa nurses, mababawasan din ang idedeploy na mga doktor, dentista at midwives lalo na sa mga probinsya.

Dahil dito, pagpapaliwanagin ang DOH kung bakit sa isyu pa ng kalusugan ang may maraming ibinawas na mga tauhan.

Nakasalalay aniya ang kalusugan ng publiko sa kabawasan ng mga doktor at nurses sa bansa.

Nangako naman si Andaya na gagawin nila ang lahat ng paraan para maibalik ang nabawas na pondo sa DOH para hindi malagay sa alanganin ang health service ng gobyerno.

Facebook Comments