PINANGANGAMBAHAN | Mga bombang inihulog ng F-50 fighter jets na hindi sumabog, hinahanap pa rin sa Marawi

Manila, Philippines – Labing apat (14) na 600-pounder bombs na inihulog ng F-50 fighter jets sa Marawi, pero hindi sumabog, ang hinahanap pa rin ngayon.

Ang nabanggit na mga bomba ay pinakawalan noong kasagsagan ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Maute Terror Group.

Ito ang inihayag ni Task Force Bangon Marawi Chairperson Eduardo del Rosario sa isinagawang Bangon Marawi press briefing sa Palasyo.


Sabi ni Del Rosario, matinding pinsala ang idudulot sa oras na sumabog ang kahit isa sa nabanggit na mga bomba kaya mahigpit na ipinagbabawal sa mga taga-Marawi City na pumasok sa ground zero.

Samantala, hanggang ngayon ay nasa humigit-kumulang na 3,500 na pamilya na lumikas noong may 2017 ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Facebook Comments