Pinangangambahan na total brown out sa malaking bahagi ng Mindanao, idinulong ng isang kongresista sa DBM

78

Sa budget hearing ng Kamara ay Inilapit ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Department of Budget and Management (DBM) ang posibleng total brownout sa malaking bahagi ng Mindanao at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Hataman, nakatanggap ng sulat ang mga lokal na pamahalaan sa Basilan at mga karatig lugar kaugnay ng napipintong brownout matapos umabot ng P2 billion ang utang ng NAPOCOR sa Petron.

Binanggit ni Hataman na ang Petron ang nagsusuplay ng produktong petrolyo para tumakbo ang mga planta ng NAPOCOR sa lugar.


Bilang tugon ay sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na nakipag-uugnayan na sila sa Department of Energy (DOE) para sa pagpapalabas ng P1.26 billion na pondo sa NAPOCOR na pambayad sa Petron.

Para mabayaran ang kanilang utang ay una nang humirit ang NAPOCOR sa DOE at Department of Finance ng dagdag na pondo.

Hiniling din ng NAPOCOR na magamit ang unprogrammed funds sa ilalim ng 2022 national budget at ang P1.3 bilyong national government subsidy mula sa DBM.



Facebook Comments