PINANGANGAMBAHAN | No election scenario dahil sa martial law, posibleng mangyari?

Manila, Philippines – Nagbabala ang independent minority sa posibilidad ng pagkakaroon ng No Election scenario sa 2018.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, maaaring ikatwiran ng COMELEC ang martial law extension sa Mindanao para muli nanamang hindi matuloy ang Barangay at SK election sa susunod na taon.

Nagbanta si Villarin na kung sakaling mangyari ito ay magiging kritikal ang demokrasya ng bansa.


Ngayon aniya ay nabibigyan na ng bagong pakahulugan ang martial law na hindi nakasaad sa batas tulad ng pagkakaroon ng rebelyon o pananakop.

Bukod dito, iniisip pa ng mga tao na good governance at democracy ang malilikha sa martial law.

Ngayong linggo ay inaasahang maghahain ag independent minority ng petisyon sa Korte Suprema para kwestyunin ang martial law extension sa Mindanao.

Facebook Comments