Pinangangambahang baha sa Marikina pinawi na ng DPWH

Pinawi ng Department of Public Works and Highways ang pangamba ng mga residente ng Marikina at QC na posibleng bumaha sakaling bumuhos ang malakas na ulan sa kanilang lugar.

Itoy matapos makumpleto ng DPWH ang bagong flood control structure sa bahagi ng  river right bank ng  Marikina River sa  Barangay Batasan Hills, Quezon City upang maprotektahan ang mga residente laban sa mga pagbaha.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar ang P93 Million project ay saklaw nito ang   construction ng 152 linear meter river wall na kongkreto at mayroon riprap at masonry work sa Vista Real Subdivision, Phase II.


Paliwanag ng kalihim mahalaga ang  12-meter high slope protection works na ginawa sa ilalim ng pamumuno ni DPWH National Capital Region Ador Canlas ay mahalagang bagay ng Pasig Marikina River Channel Improvement Project na ang layuni  ay upang mapigilan ang pag apaw ng tubig sa Marikina River.

Naniniwala si Villar na sa pamamagitan ng paglagay ng flood control projects umaasa ng kalihim na maprotektahan na ang buhay at ari-arian at maiwasan na maulit muli ang nararanasang kalamidad sa  Metro Manila noong 2009 makaraang humagupit ang  bagyong Ondoy.

Facebook Comments