
Naniniwala ang Malacañang na kailangang imbestigahan kung paano nakuha ang umanoy Cabral files at kung tunay ang mga dokumento.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi malinaw kung dumaan sa legal na proseso ang pagkuha ng mga file, lalo’t may alegasyong may pamimilit na nangyari.
Dapat ding matukoy kung ang mga dokumento ay direktang mula kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral o sa isang staff lamang.
Binigyang-diin din ni Castro na mahalagang mapatunayan ang authenticity ng mga file, lalo’t sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na hindi pa niya ito nakikita.
Giit ng Palasyo, hindi maaaring patunayan ang mga dokumento kung hindi pa ito nasusuri ng mismong ahensyang may hawak ng opisyal na rekord.










