Manila, Philippines – Pinangunahan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pagbibigay pugay sa mga biktima ng Maguindanao Massacre kasabay narin ng ika 9 na anibersaryo nito ngayong araw.
Kasama ni Andanar si Presidential taskforce for Media Security Executive Director Joel Sy Egco na nagalay ng bulaklak sa symbolic monument ng 58 biktima ng massacre kung saan kabilang dito ang 38 mamamahayag sa Maguindanao.
Sinabi ni Secretary Andanar na sanay makamit sa lalong madaling panahon ang katarungan sa mga naging biktima ng Maguindanao Massacre.
Pinasalamatan din naman ni Egco si Andanar dahil ito ang unang Presidential Media head na dumalo sa wreath laying ceremony para sa mga biktima ng krimen.
Pinuri din naman ni Andanar si Egco at ang buong taskforce sa trabahong gingawa nito sa pagsisikap na mabigyan ng mas ligtas na kapaligiran ang mga mamamahayag sa buong bansa.
Samantala, sa pamamagitan naman ng PTFoMS ay isinama ng Committee to Protect Journalist o CPJ ang Pilipinas sa mga bansang bumubuti na ang status kontra sa Media Killings base sa 2018 Global Impunity Index.