PINANINDIGAN | Pagbabawal sa Rappler na makapag-cover sa presidente, hindi pag-atake sa press freedom – palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na hindi pag-atake sa Press Freedom ang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapasok sa Malacanang at makapag-cover sa mga Presidential Events sa loob at sa labas ng Malacanang.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, lahat ng media kabilang din ang Inquirer na matindi ring bumabanat sa administrasyon ay malaya pa rin namang nakakapag-cover sa mga aktibidad ng Pangulo.

Pero ang access aniya ng Rappler sa mga Presidential Coverage ay dumedepende sa accreditation ng Rappler at maaari pa rin naman aniyang mag-apply ang Rappler para maging miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippine of FOCAP para makapunta sa ibang events ng Pangulo sa labas ng Malacanang.


Una na ring iginiit ni Roque na hanggang walang desisyon ang Court of Appeals sa kaso ng Rappler ay nananatili ang pagbabawal sa Rappler na makapagcover kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments