Manila, Philippines – Pinanindigan ng Palasyo ng Malacanang ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Kuwait dahil sa dami ng kaso ng pagpatay at pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa nasabing bansa.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap ng pagkondena ng Foreign Minister ng Kuwait sa mga pahayag ni Pangulong Duterte na naglalabas ng galit sa kanilang gobyerno dahil sa pagmamaltrato sa mga OFW sa Kuwait kung saan marami na ang namatay at marami narin ang nasaktan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi maaaring tanggalin kay Pangulong Duterte ang panawagan na dapat ay protektahan ang karapatang mabuhay ng mga Pilipino sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Binigyang diin pa nito na kahit paulit-ulit nilang kondehanhin ang mga pahayg ng Pangulo ay tungkulin nio na proteksyonan ang sambayanang Pilipino saan man sa mundo.