Manila, Philippines – Pinaninindigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na constitutional ang kanilang ipinasang bersyon ng Bangsamoro Basic Law.
Giit ni Alvarez na lahat ng ginagawa at ipinapasang batas ng Kamara ay sumusunod sa Saligang Batas.
Sa kabilang banda ay aminado naman ang Speaker na maaaring kwestyunin sa Korte Suprema ang kanilang ipinasang BBL matapos ang pagkontra dito ng ilang mambabatas.
Pero sinabi pa ni Alvarez na walang sinuman ang makapagpapahinto sa batas dahil ang korte lamang ang maaaring magdesisyon at magsabing unconstitutional nga ang kanilang ginagawa.
Bago ang adjourn sine die ng Kongreso kagabi ay ipinasa ng mga ito ang House Bill 6475 o ang Bangsamoro Basic Law sa botong 227 na YES, 11 na NO at 2 ABSTAIN.
Facebook Comments