PINANINDIGAN | Suspension kay Overall Deputy Ombudsman Carandang, TRO lang ang makapipigil – Malacañang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na Temporary Restraining Order o TRO lang mula sa korte ang makahaharang sa kautusan ng Office of the President na masuspinde ng 90 Araw si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa Grave Misconduct at Grave Dishonesty matapos nitong ilabas ang bank statements umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa briefing sa Baguio City ay sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kung ayaw sundin ni Carandang at ayaw ipatupad ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kautusan ng Office of the President ay dapat kumuha muna ang mga ito ng TRO mula sa korte.

Paliwanag ni Roque, may kapangyarihan ang Pangulo bilang Chief Executive ng batas na suspindihin ang Deputy Ombudsman.


Una naring sinabi ni Roque na hanggang walang inilalabas na TRO ang korte ay dapat ipatupad ng Ombudsman ang kautusan ng Office of the President.

Facebook Comments