Pinaniniwalaang lider ng grupong Abu Sayaff sa Basilan, nakatakas

Basilan, Philippines – Sa kabila ng opensiba ng militar sa lalawigan ng Basilan, nakatakas umano ang mataas na lider ng bandidong grupo Abu Sayyaf na si Furuji Indama, ito ang inihayag ng regional governor ng ARMM Mujiv Hataman.

Ayon kay Hataman, base sa inpormasyon na nakarating sa kanya nasa lalawigan ng Sulu na si indama sa takot na mapatay ito dahil matatandaan walang tigil ang operasyon sa munisipalidad ng Sumisip kung saan pinagbombahan ang mga kampo ng nasabing grupo.

Sa nasabing operasyon, dalawamput mga miyembro ng ASG ang napatay habang limampu naman ang bilang ng mga ASG ang sumuko at bumalik sa panig ng gobyerno.


Ayon naman sa commandante ng Joint Task Force Basilan Col. Juvymax Uy, hanggang sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang kanilang law enforcement operasyon sa nasabing lalawigan.

Inaasahan madagdagan pa ang bilang ng mga sumuko na miyembro ng ASG sa Basilan dahil sa pressure ng operasyon ng militar laban sa bandidong Abu Sayyaf.
DZXL558

Facebook Comments