Pagiging masipag, matiyaga at pagkilos ang ilan sa mga pinaniniwalaan ng mga Dagupeños, na naghahatid kasaganahan sa kanilang buhay.
Sa naging panayam ng IFM NEWS Dagupan sa ilang Dagupeño, sinabi ng mga ito na ang tanging pampaswerte umano nila ay paghahanapbuhay upang mairaos ang araw-araw.
Ang isang negosyante naman sa lungsod sinabing, ang bagwa umano ang nagdala sa kanya ng swerte dahil nagkaroon na ng kaginhawaan ang kanilang buhay.
Ayon naman sa mga eksperto, ang mga lucky charm o pampaswerte ay tanging paniniwala lamang at hindi nangangahulugang magbibigay ito ng kaginhawaan sa buhay. Kailangan umano itong lakipan ng pagkilos at kasipagan para sa kaunlaran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments