PINANSYAL | Lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ompong

Muntinlupa – Nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa 10 munisipalidad sa Cagayan, Benguet at Kalinga na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ompong.

Kabilang sa mga munisipalidad ang:

Baggao (Cagayan),
Iguig (Cagayan),
Pamplona (Cagayan),
Lasam (Cagayan),
Claveria (Cagayan),
Sta. Praxedes (Cagayan),
Sanchez Mira (Cagayan),
Itogon (Benguet),
Kabayan (Benguet), at Pasil (Kalinga).


Ayon kay Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Officer Erwin Alfonso, ang finacial assistance na ito ay upang makatulong sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa lugar.

Matatandaang, September 15, nang hagupitin ng Typhoon Ompong ang Baggao, Cagayan at Northern Luzon, kung saan hindi bababa sa 81 ang nasawi.

Facebook Comments