Pinasisilip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay incoming Education Secretary Sonny Angara ang pinansiyal na kalagayan ng mga guro.
Ayon sa pangulo, ang susi sa tagumpay ng anumang programa ng DepEd ay ang teaching personnel.
Hindi dapat aniya makalimutan na mayroon ring pamilya ang mga guro, na kailangan nilang alagaan.
Giit pa ng pangulo, kapag hindi sapat ang kinikita ng mga ito, hindi magiging epektibo ang kanilang pagtuturo dahil inaalala ng mga ito ang kanilang mga pamilya.
Hindi naman direktang sinabi ng pangulo kung ito ay ang posibleng pagtaas ng sahod ng public school teachers.
Pero bukod sa pinansiyal na aspeto, isasailalim din ang mga guro sa mga re-training programs magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa mga bagong teknolohiya.
Facebook Comments