Pinansyal na tulong ng US sa Marawi City, ikinatuwa ng Malacañang

Marawi City – Welcome sa palasyo ng Malacañang ang tulong na ibinigay ng Estados Unidos ng America para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Nabatid kasi na nagbigay 730 million pesos ang US bilang grant para makatulong sa patayong muli ng lungsod dahil na rin sa pakikipagbakbakan ng Armed Forces of the Philippines sa Maute terror Group.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang rehabilitasyon ng Marawi city ay hindi magiging madali at kakailanganin ng maraming taon para ito ay matapos.


Para aniya maging matagumpay ang rehabilitasyon ay binigyang diin din ni Abella na kailangan ng tulong ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments