Manila, Philippines – Kasunod ng isinagawang Brgy. at SK election kahapon, hinahamon ngayon ng EcoWaste Coalition ang mga tumakbong kandidato na magkusa sa paglilinis at pagbabaklas ng mga campaign materials na kanilang ginamit sa pangangampaniya.
Ito ay bunsod ng mga leaflets, styro at iba pang materyales na naiwan sa mga paaralan at sa gilid ng kalsada dahil sa ginanap na eleksyon.
Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang mga paaralan na nagsilbing polling precincts ay dapat na manatiling malinis.
Kailangan aniyang magkusa ang mga ito, na linisin at kolektahin ang mga campaign materials na kanilang ipinakalat noong campaign period.
Facebook Comments