PINAPAPALAWIG | Senator Win Gatchalian, iginiit na palawigin sa 6 na buwan ang planong 3-buwang suspensyon ng excise tax sa langis

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian na mapalawig hanggang anim na buwan ang plano na tatlong buwang suspension sa ikalawang bugso ng dagdag buwis sa langis sa 2019.

Nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRIAN law ang dagdag na 2-pesos per liter sa buwis na ipinapataw sa produktong petrolyo sa 2019 at P1.50 per liter naman sa 2020.

Umaasa si Gatchalian na makakapagpasa ng joint resolusyon ang Senado at kamara kaugnay sa ihihirit niyang 6-month suspension.


Paliwanag ni Gatchalian, ang unang tatlong buwan ng suspensyon ay adjustment period lamang lalo na sa mga oil companies.

Sa tingin ni Gatchalian, kahit bumaba ang presyo ng langis sa world market ay kakailanganin ang anim na buwan para makamit ang normalized level.

Facebook Comments