PINAPAPANATILI | Pangulong Duterte, nanawagang panatilihin ang integridad ng PDP-Laban

Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa partido demokratiko Pilipino-lakas ng bayan o PDP-Laban na panatihilin ang integridad habang naghahanda sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Sa press statement ng Malacañan, pinuri ng punong ehekutibo ang PDP-Laban sa pagiging ‘principled party’.

Tiniyak din ni Pangulong Duterte ang buo nitong suporta sa partido.


Nangako rin ang Pangulo na isusulong nito ng totoo at pangmatagalang pagbabago.

Umaasa si Pangulong Duterte na susuportahan ng kanyang mga kapartido ang kanyang mga reporma sa gobyerno.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang Chairman ng PDP-Laban.

Facebook Comments