PINAPATIYAK | Sapat na suplay ng bigas, dapat tiyakin ng NFA

Manila, Philippines – Pinapatiyak ni Senator Bam Aquino sa National Food Authority o NFA na mayroong sapat na supply ng bigas sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyong Ompong.

Ayon kay Aquino, sa ganitong paraan ay makakabawi kahit papaano ang NFA sa taumbayan na problemado sa suplay at mataas na presyo ng bigas.

Diin ni Aquino, kasabay ng pagtiyak sa kaligtasan ng publiko ay dapat siguraduhin din na hindi magugutom ang mga ito sa harap ng paghagupit ng mga kalamidad.


Giit ni Aquino, dapat tiyakin ng NFA na mayroong sapat na supply ng bigas sa mga warehouse sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Kasabay nito ay isinulong din ni Aquino ang Senate Bill No. 1211 o ang Philippine Space Act na magpapalakas sa mga programa ng gobyerno kaugnay sa mga natural na kalamidad at sakuna.

Halimbawa nito ang disaster risk management ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), astronomical science programs ng PAGASA at pangangalap ng impormasyon ng national mapping & resource information agency sa pamamagitan ng satellite.

Facebook Comments