PINAPLANSTA NA | COA, minamadali ang pagtugon sa desisyon na mag aatas sa LTO para makapag isyu muli ng car plates

Manila, Philippines – Pinaplantsa na ng Commission on Audit ang magiging tugon nito sa desisyon ng Supreme Court na nag aatas sa Land Transportation Office (LTO) para makapag isyu muli ng car plates o plaka ng mga sasakyan sa mga car owners.

Magugunita na ang COA ang naglabas ng notice of disallowance noong 2015 sa pag iisyu ng car plates ng LTO dahil sa nabunyag na irigularidad sa procurement ng plaka.

Ayon kay COA PIO Chief Jonathan Beltran, ang usapin sa pagbuo ng draft ng desisyon ay nasa commission proper adjudication, secretary and support services sector ng COA na pinangasiwaan ni Commissioner Elizabeth Soza.


Noong Hunyo 14, 2016, nagpalabas ng paborableng desisyon ang Korte Suprema sa isyu at nagsabing legal at naaayon sa batas ang Motor Vehicle Plate Standardization Program ng LTO.

Sa nabanggit ding taon, pinawalang bisa ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin ang mga isyung bumabalot sa kaso at ang alegasyon na hindi ito kasama sa 2014 national budget na isinumite ng noon ay Department of Transportation and Communication (DOTC).

Pinatunayan din ng mga ebedensiya na walang anomalyang ginawa ang DOTC sa programa na pinondohan ng 2.4 bilyong piso ng pamahalaan.

Batay sa datos ng LTO, mahigit 10 milyon ang backlog sa car plates sa ngayon, hindi pa kasama dito ang higit sa 5 libong sasakyan na nairehistro kada araw.

Facebook Comments