PINAPLANTSA | Deportation ng tatlong dayuhan na naaresto ng militar sa Basilan, pino-proseso na ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Pinaplantsa na ng Bureau of Immigration ang pagpapa-deport sa tatlong dayuhanna na inaresto ng militar sa Basilan dahil sa iligal na pagpasok sa bansa.

Nakilala ang tatlo na sina Tsui Tsz Kin, Ho Chun Wai at Wong Po na pawang mula sa Hong Kong Special Administrative Region.

Ayon kay BI-Anti-Terrorist Group o ATG Chief Fortunato Manahan Jr. ,nadakip ng militar ang mga dayuhan matapos maubusan ng gasolina ang sinasakyan nilang speed boat sa laot ng Basilan


Iniimbestigahan na ngayon ang posibilidad na pagkakasangkot ng tatlo sa drug trafficking, Human trafficking at smuggling.

Nakumpiska sa kanila ang ilang high-tech na cellular phones, satellite phones, GPS devices, at mga credit card.

Naka-detain ngayon ang tatlo sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang deportation ng mga ito.

Facebook Comments