PINAPLANTSA | DOLE, isinasapinal na ang listahan ng mga Labor Law violators

Manila, Philippines – Isinasapinal na ng Department of Labor and Employment ang listahan ng mga employers at kumpaniya na lumalabag pa rin sa Labor Law.

Dahil dito, muling umapela si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employers na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ginagawang regular ang kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Bello, vinavalidate na lamang ng Bureau of Working Conditions ang kanilang listahan at sa Mayo 25 ay nakatakda na nilang isumite ito sa Malacañang, bilang tugon sa kahilinga ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan siya ng listahan ng mga kumpaniya na lumalabag sa batas paggawa.


Ayon sa kalihim, sa kasalukuyan ang mga nakpagsumite na sa kanila ng mga Labor Law Violators ay ang region 4B, 6, 7, 11 at 12. Habang ang iba ay inaasahang magsusumite sakanila ngayong linggo.

Facebook Comments