Manila, Philippines – Pinapapunta ni Senate President Tito Sotto III sa Mindanao ang mga kritiko ng Martial Law na muling pinalawig hanggang December 2019.
Ayon kay Sotto, ito ay para kanilang makita ang mga dahilan kung bakit kailangang ipagpatuloy ang batas-militar na sinimulang ipatupad noong May 2017 dahil sa pagkubkob ng Maute terror group sa Marawi City.
Sabi pa ni Sotto, mainam ding makita ng personal ng mga kontra sa Martial Law kung bakit gusto ito ng mamamayan sa Mindanao.
Si Sotto ay isa sa 12 mga Senador na bomoto pabor sa Martial Extension sa joint session na isinagawa kahapon ng mataas at mababang kapulungan.
Facebook Comments