Manila, Philippines – Pinapurihan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isang PNP-Aviation Security Unit (AVSEU) officer na nagsauli ng malaking halaga ng salapi at gamit na naiwan ng isang pasahero sa Puerto Princesa international airport kahapon.
Sa report ni CAAP Area Manager Percy Malonesio, ang asul na bag ay natagpuan sa arrival area ng paliparan ay unang inspeksyon ng K9 handler ng PNP-Aviation Security Unit na si PO3 Widmark Briones.
Natuklasan na ang asul na bag ay naglalaman ng P1.5 million cash na nakalagay sa loob ng brown envelope.
Sa pamamagitan ng ID na nakita sa loob ng bag, natunton ang may-ari nito na si Danilo Dequito, isang Philippine Airlines passenger na galing Manila.
Agad din naman naibalik sa may-ari ang bag at laman na pera nito.
Ayon sa CAAP ang pangyayari ay nagpapakita kung paano ang kultura ng katapatan ay nananatili pa rin sa CAAP at mga paliparan sa Pilipinas.