PINARANGALAN | Mga pulis na sugatan sa engkwentro laban carnappers, ginawaran ng Medalya ng Kagalingan

Manila, Philippines – Ginawaran ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ng medalya ng kagalingan at medalya ng sugatang magiting ang police officer na nasugatan sa engkwentro laban sa mga carnappers.

Kinilala ang pulis na si PO1 Jaypee Gonzales na nakatalaga sa Quezon City Police District.

Kasama ni Dela Rosa si QCPD chief Police Sr/ Supt. Guillermo Eleazar nang bisitahin ang pulis sa PNP General Hospital sa Camp Crame.


Bukod sa medalya, promoted din ng isang ranggo si Gonzales.

Binisita ng PNP Chief ang pulis na nasugatan naman sa ambush sa Bicol na binigyan naman niya ng glock safe action pistol.

Facebook Comments