Manila, Philippines – Pinaratangan ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Pangulong Duterte na ginagamit lang na “testing ground” ang pinalawig na martial law sa Mindanao.
Ayon kay Alejano, testing lamang ang batas militar sa Mindanao para sa balak nitong pagpapatupad ng martial law sa buong bansa.
Sinusubukan na ngayon ng Pangulo na gawing isa sa basehan ang banta ng New People’s Army (NPA).
Nababahala si Alejano na kapag umubra ito ay hindi na imposibleng gamitin din itong basehan sa pagpapalawak ng martial law sa Pilipinas.
Dagdag ni Alejano, buo pa rin ang kanyang tiwala sa mga sundalo pero sana ay hindi umano masira ang pagtingin ng militar sa civilian authority ng gobyerno dahil sa madalas na extension ng martial law.
Facebook Comments